Wednesday, January 06, 2016

Aklan Provincial Tourism naglabas ng panuntunan sa Higante Contes para sa Ati-Atihan

Posted January 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for higante paradeNaglabas na ng panuntunan ang Aklan Provincial Tourism Office (APTO) para sa Higante Contest ngayong Huwebes para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2016.

Sa kalatas na inilabas ng APTO, gaganapin ang Higanti parade sa Enero 14 ng ala 1:00 ng hapon kung saan may tema itong “Eco friendly Ati” na nagsisimbolo ng pagmamahal sa ating inang kalikasan o “Mother Earth”.

Nabatid na 17 Higante ang magpapagandahan sa kanilang mga desinyo na yari mula sa ibat-ibang produkto ng mga bayan sa probinsya.

Ang mga mananalo sa nasabing kumpetisyon ay tatanggap ng cash at plaque of awards at ang mga hindi naman papalarin ay makakakuha ng consolation prize at plaque of recognition.

Maliban dito magkakaroon naman ng “Sangkalibong Tamboe at Float Parade” sa Enero 11 ala 1:00 ng hapon habang ang “ Balikbayan Night” ay sa Enero 15 ng alas-7 ng gabi sa ABL Sports Complex.

No comments:

Post a Comment