Monday, January 04, 2016

Comelec Malay kasado na sa ipapatupad na Gun Ban sa Enero 10

Posted January 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng Commission on Election (Comelec) Malay ang pagpapatupad ng election period at gun ban sa Enero 10, 2016.

Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig, nagpadala na umano sila ng sulat sa mga kapulisan para sa pagbantay ng mga ito sa Comelec checkpoint na may kaugnayan sa gun ban.

Dahil dito pina-alalahanan naman ni Cahilig ang mga taong sumunod sa patakaran at maging responsable sa ipinapatupad ng mga operatiba.

Ang gun ban ay mahigpit na ipinapatupad ng Comelec sa tuwing nalalapit na ang National and Local Election.


No comments:

Post a Comment