Monday, January 04, 2016

Pagsalubong sa Bagong Taon sa Boracay, naging mapayapa

Posted January 2, 2016-01-04
Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Bagama’t napuno ng tao ang front beach, naging mapayapa naman ang pagsalubong sa bagong taon sa isla ng Boracay.

Ayon kay Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) Community Relations Officer SPO2 Christopher Mendoza, tagumpay at tahimik ang naging pagsalubong sa bagong taon kapwa ng mga bakasyunista at residente sa isla.

Bagama’t may isang nasugatan ng piccolo ngunit minor lamang umano.

Base rin sa kanilang obserbasyon, nag-enjoy ang mga turista hindi lamang sa kanilang bakasyon kundi maging sa mga activities kabilang ang fireworks na kanilang nasilayan sa isla.

Naging maigting din ang kanilang pagbabantay sa front beach at sa mga lugar na maraming tao.

Matatandaang, generally peaceful din ang naging pagdiriwang ng bagong taon sa isla noong nakaraang taon ng 2015.

No comments:

Post a Comment