Monday, January 04, 2016

Boracay kinilala bilang isa sa best travel destinations ngayong 2016 ng Conde Nast

Posted January 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinilala ngayon ng Conde Nast traveler magazine ang isla ng Boracay bilang isa sa best travel destination para sa taong 2016 sa buong mundo.


Nakuha ng Boracay ang ikatatlong pwesto kung saan nangunguna naman rito ang Cuba at pumapangapalawa ang Quito, Ecuador.

Nabatid na pinuri ng magazine ang buhay na buhay na nightlife sa Boracay kung saan sinasabing sumasayaw ang mga turista sa mismong buhangin ng isla.

Maliban dito pinuri rin ang ibat-ibang aktibidad at mga naggagandahang resort at hotel sa Boracay kabilang na ang kagandahan ng Punta Bunga Beach at Puka Shell Beach at ang kite surfing sa Bulabog Beach.

Samantala kabilang naman sa listahan ang Lisbon, Portugal; Ireland; Zanzibar, Tanzania; Nepal; Iran; Rio de Janeiro, Brazil; Barbuda at Caribbean.

Nabatid na noong Pebrero 2015 ay nakuha rin ng Boracay’s White Beach ang ranked No. 4 sa Conde Nast’s Top 10 Island Beaches for Perfect Sand habang kinilala din ito bilang isa sa 20 Best Islands para sa Dream Getaways for 2015.

No comments:

Post a Comment