Posted January 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang pagpapagawa ng LGU Malay sa
pamamagitan ng Malay Transportation Office (MTO) ng mga waiting area para sa
mga commuters sa isla ng Boracay.
Ayon kay MTO Officer Cesar Oczon, may mga designated area
umano silang nilagyan nito kung saan dadagdagan pa umano ang mga ito para sa
mga pasahero.
Sinabi ni Oczon na natigil lang ang kanilang proyekto
ngayon dahil sa nagkaroon ng kumplikado sa set back sa kalsada pero
ipagpapatuloy parin umano nila ang pagpapagawa nito.
Nabatid na may tatlo na silang natapos na waiting area
kung saan isa rito sa Balabag Plaza, isa isa sa Balabag Elementary School at isa
naman sa may D’Talipapa mainroad.
Dagdag ni Oczon, ang proyektong ito ay para sa loading at
unloading ng mga pasahero at upang hindi na rin umano mahirapang mag-pick up
ang mga driver.
Samantala, paalala naman ni Oczon na ang waiting area ay
hindi umano tambayan ng magbabarkada at magkasintahan.
No comments:
Post a Comment