YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 05, 2016

2016 Boracay Ati-Atihan aarangkada na ngayong lingo

Posted January 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aarangkada na ngayong Enero 8 hanggang 10 ang 2016 Boracay Ati-Atihan na inorganisa ng Municipal Tourism Office ng LGU Malay.

Simula nitong Biyernes ay magkakaroon ng Barangays, Parishioner and Tourism Front liners Night sa Balabag Plaza habang sa Sabado ng alas-4 ng hapon ay magkakaroon naman ng Tribal Street Dancing Competition na lalahukan ng mga HS Students na magsisimula sa Casa Pilar hanggang sa Balabag Plaza.

Maliban dito magkakaroon naman ng misa sa Enero 10 ng ala-6 ng umaga sa Holy Rosary Parish at susundan ng Fluvial Parade ng alas-6:30 ng umaga sa Boracay’s Rock, alas-8 naman ang High Mass sa Balabag Plaza at alas-9 ng umaga ang Boracay Ati-Atihan Sto. Niño Sadsad.

Kaugnay nito magkakaroon naman ng Baptismal alas-10 ng umaga sa Holy Rosary Parish habang alas-3 ng hapon naman ay isang misa ang isasagawa at susundan ng Procession of Sto. Niño Image alas-5:30 ng hapon at alas-7 ng gabi ang Group Showdown sa Balabag Plaza.

Ang Boracay Ati-Atihan ay taunang ginagawa sa isla bilang selebrasyon sa kapistahan ni Sr. Sto Niño na orihinal na ipinagdiriwang sa bayan ng Kalibo tuwing ikatatlong linggo ng buwan ng Enero.

No comments:

Post a Comment