Tuesday, January 05, 2016

Lalaking nagbibinta ng illegal drugs, kulong sa isinagawang buy-bust operation

Posted January 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Kulong ang isang lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan alas- 10:30 kagabi sa Sitio Tambisaan Brgy. Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan.

Sa pinagsamang pwersa ng Aklan PPO PAIDSOTG, APPSC, Boracay PNP at Malay PNP,  na aresto ang suspek na si Francois Neil Ferrer 34-anyos residente ng Villa De Primorosa Buhay na Tubig, Imus Cavite at temporaryong nakatira sa Brgy. Manoc-manoc.

Nakuha naman sa suspek ang isang sachet ng illegal na droga, marked money na P1, 000 at isang cellphone.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Boracay PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

No comments:

Post a Comment