Monday, January 04, 2016

DOT 6 ikinatuwa ang pag-abot sa 1.5 Milyon target tourist arrival sa Boracay

Posted January 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for department of tourism,Ikinatuwa ngayon ng Department of Tourism Region 6 ang pag-abot sa 1.5 Milyon target tourist arrival sa Boracay sa taong 2015.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, masaya umano si DOT 6 Regional Director Helen Catalbas sa nakuhang rekord ng Boracay sa kabila ng maraming challenge ng isla sa nagdaang taong 2015.

Sinabi nito na dapat lang umanong tawaging Premier Destination ang Boracay dahil sa dami ng mga turistang nagbabakasyon sa isla.

Nabatid na naabot ng Boracay ang nasabing target noong Desyembre 21 ilang araw bago magtapos ang 2015, kung saan umabot ito sa 1,505,508 ang mga turistang bumisita sa Boracay habang hindi pa kabilang ang nalalabing araw ng nasabing taon.

Samantala, ayon pa kay Velete hindi pa umano napag-uusapan ng DOT at ng probinsya kung ilan ang kanilang target para ngayong taong 2016.

No comments:

Post a Comment