Thursday, January 07, 2016

Operasyon ng Yellow Submarine sa Boracay isasalang pa umano sa evaluation

Posted January 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for yellow submarine cebuHindi pa maaaring makapag-operate ang Yellow Submarine sa isla ng Boracay na galing Cebu dahil sa kulang pa umano ito sa requirements.

Ito ang sinabi ni BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani, matapos ang kanilang ginawang preliminary assessment kasama ang ilang mga kinauukulan.

Ayon kay Bacani, pinag-uusapan pa umano rito ang security at ang areas para sa operation ng naturang submarino.

Sinabi din nito na ipinatawag nila sa assessment ang mga private sector sa Boracay kasama ang Boracay Action Group at Boracay Foundation Inc. (BFI) para makuha din ang kanilang reaksyon sa ninanais na pag-operate ng submarine sa Boracay.

Nabatid na kung sakali naman umanong maaprobahan ang operasyon nito ay mag-ooperate ito sa Balinghai at Diniwid area sa Boracay.

Ang Yellow Submarine ay sinasabing bubuksan para sa mga turista bilang isang dagdag atrakasyon sa turismo ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment