Thursday, January 07, 2016

Media sa Aklan, pinaalalahanan ng APPO sakaling makatanggap ng threat sa sarili

Posted January 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for threatPina-alalahanan ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang mga Media sa Aklan sakaling makatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Ayon kay Public Information Officer P03 Nida Gregas, kung makatanggap umano ang isang Media ng threat ay maaari umano nilang ipag-bigay alam sa himpilan ng mga pulis at ipa-record kung ano mang-pagbabanta ang natanggap nito.

Aniya, dito na iim-bestigahan ng mga pulis kung ano ang dahilan at ebidensya ng pagbabanta.

Sa kabila nito wala pa naman umanong natatanggap ang (APPO) na mga report kaugnay sa nasabing death threat sa mga Media sa Aklan.

No comments:

Post a Comment