Tuesday, January 05, 2016

Drainage system ng TIEZA sa Bolabog beach pinuna ni SB Bautista

Posted January 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drainage system sa BoracayHindi nakalagpas kay SB Member Floribar Bautista ang drainage system ng TIEZA sa Bolabog beach dahil sa madumi umanong tubig na ibinubuga nito sa dagat.

Sa 1st Regular SB Session ng Malay kaninang umaga, sinabi nito na bula-bula at madumi ang lumalabas na tubig sa nasabing drainage.

Aniya, marami parin umano sigurong mga establisyemento sa Boracay ang illegal na nag-kokonekta sa mga drainage system ng TIEZA.

Dahil dito nais naman nitong magkaroon ang LGU Malay ng equipment na siyang susuri sa kalidad ng tubig sa bolabog beach.

Sa kabilang banda pinaalalahanan naman ni Bautista ang Environmental Office ng Malay tungkol sa mga illegal na nag-kokonekta sa drainage system at sa mga penalidad na kakaharapin ng mga ito.

No comments:

Post a Comment