Monday, January 04, 2016

Buhos ng mga pasahero sa Caticlan Jetty Port dagsa

Posted January 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit Zie Acha
Nagsimula ng bumuhos ang dami ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila sa Caticlan Jetty Port matapos ang mahabang pahinga sa holiday season.

Katunayan kagabi palang ay halos bumuhos na sa mahigit isang libo ang pasahero ng roro-vessel gayon din ang mga manggawang pabalik ng isla ng Boracay.

Dahil dito, mahigpit naman ang ginagawang seguridad sa nasabing pantalan kung saan maliban sa ginagawang inspeksyon sa mga bagahi ng pasahero ay sinusuri din ito ng K9 Unit ng Philippine Coastguard.

Kaugnay nito unti-unti na ring dumarami ang mga turistang nagbabakasyon sa Boracay kabilang na ang pag-siuwian ng mga balikbayan na makikisaya sa Ati-Atihan Festival sa susunod na linggo sa bayan ng Kalibo.

Samantala, inaasahang tatagal pa hanggang bukas ang pagbuhos ng mga pasahero sa Caticlan Jetty Port pabalik ng Manila.

No comments:

Post a Comment