Wednesday, January 06, 2016

21- anyos na lalaki sugatan sa pananaksak

Posted January 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for stabbing investigationSugatan ang isang 21- anyos na lalaki matapos itong saksakin kaninang 12:50 ng madaling araw sa mainroad Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Edvamar Zubiaga residente ng Libacao Aklan at nakatira sa Sitio Tulubhan Brgy. Manoc-manoc.

Sa report ng Boracay PNP, sakay umano ang biktima ng kanyang minamanihong motorsiklo ng tawagin ito at pahintuin ng suspek na kinilala lamang na si “dondon” kung saan dito umano ay sinaksak niya ang biktima ng walang karason-rason.

Matapos nito ay nag pang-abot pa ang dalawa ngunit mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang insidente sakay ng motor.

Samantala, mabilis namang naisugod ang biktima sa isang pagamutan pero agad naman itong nakalabas matapos malapatan ng gamot ang kanyang natamong sugat.

Sa ngayon patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo sa pananakasak ng tumakas na suspek.

No comments:

Post a Comment