Thursday, January 07, 2016

Anak, kulong matapos ini-reklamo ng sariling ama

Posted January 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ngayon sa Boracay PNP ang anak matapos itong ireklamo ng panggugulo ng kanyang sariling ama sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa mga pulis ng Boracay PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concern citizen na merong isang lalaki na kinilalang si Edward Talaga 28- anyos residente ng Ambulong Boracay na nanggugulo sa nasabing lugar na naka-inom at naka-hubad habang may hawak na kutsilyo.

Nabatid na mismong ang ama nito ang nagturo sa mga kapulisan na arestuhin ang kanyang anak dahil sa ginagawang pag-iiskandalo sa lugar.

No comments:

Post a Comment