YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 06, 2016

Malay SB member Gallenero naglabas ng hinaing sa operasyon ng Jetty Port

Posted January 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port pila ng pasaheroNaglabas ngayon ng kanyang hinaing si Malay SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero sa operasyon ng Jetty Port sa Boracay.

Ito’y matapos na makailang beses na umano nilang tinawag ang atensyon ng Jetty Port at Coastguard tungkol sa problema sa dalawang pantalan ngunit hini parin umano ito nabibigyan ng aksyon.

Ayon kay Gallenero masyado na umanong apektado ang tourism industry ng probinsya lalong lalo na ang isla ng Boracay.

Samantala, sa kabilang banda nagbigay naman ng kanyang reaksyon si SB Rowen Aguirre hinggil sa nasabing isyu kung saan posibleng hindi na umano bumalik sa Boracay ang mga turistang nakaranas ng matinding pila sa Jetty Port dahil na rin sa ang iba umano ay nahuhuli sa kanilang mga flights kung saan kinakailangan pa nilang bumili ulit ng ticket para lamang makauwi.

Matatandaang ilang turista ang nagpakita ng pagkadismaya sa mga social media sa operasyon ng Jetty Port kung saan bumiyahe umano sila ng sobrang tagal mula sa ibat-ibang lugar pero pagdating sa Caticlan Jetty Port ay pipila naman sila ng halos isang oras makasakay lang sa bangka.

3 comments:

  1. Ipatawag din ang cbtmpc baka kulang banca nila at d organize ang parking which cause delay din. May mga banca na ung na nakatungaga lang sa port dahil kumakain ang boatmen kaya d magamit ang hagdan ng mga paparating na banca. And nobody orchestrating the organization of cbtmpc boat kaya minsan nagkakandabuhol2 na ang kanilang banca which also cause unreasonable delay. Someone must be incharge of it, not kanya2 nlang ang mga boatmen magdecide. We have to zoom in into smaller details to resolve this issue.

    ReplyDelete
  2. Ipatawag din ang cbtmpc baka kulang banca nila at d organize ang parking which cause delay din. May mga banca na ung na nakatungaga lang sa port dahil kumakain ang boatmen kaya d magamit ang hagdan ng mga paparating na banca. And nobody orchestrating the organization of cbtmpc boat kaya minsan nagkakandabuhol2 na ang kanilang banca which also cause unreasonable delay. Someone must be incharge of it, not kanya2 nlang ang mga boatmen magdecide. We have to zoom in into smaller details to resolve this issue.

    ReplyDelete
  3. kaya pala nag strrkto mga to kc may ibang paraan para di mapansin ang mga nagagawang kababalaghan,,,ohhhhhhhhhhh bakit daw marami naklulusot na buhangin sa isla,,,hmmmmmmmmmm kayo ha?

    ReplyDelete