Tuesday, January 05, 2016

Lalaki sa Boracay, sugatan matapos barilin

Posted January 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for shooting investigationNagtamo ng sugat sa dib-dib ang isang lalaki matapos na barilin kagabi sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, nakinilala ang biktimang si Ariel Gato 22-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sinasabing binaril umano ito ng hindi nakilalang suspek matapos itong umihi sa labas ng kanilang bahay.

Agad namang naisugod ang biktima sa Alert Medical Clinic (AMC) para sa agarang medikasyon.

Samantala, patuloy namang ini-embistigahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment