Monday, December 07, 2015

Seguridad sa Boracay tuwing gabi pinaigting sa tulong ng SWAT

Posted December 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for swat boracay logo
Mas pinalakas pa umano ngayon ang pwersa ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa pamamagitan ng kanilang Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa Boracay.

Ito ang sinabi ni Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan, kung saan ang SWAT team umano ay kanilang standby na tropa na nagpapatrolya tuwing gabi sa beach area sa isla.

Sinabi nito na buhat ng magkaroon ng APEC Summit sa Boracay noong Mayo ay may mga itinalagang SWAT team ang PNP para sa pagpapatibay ng pwersa ng mga otoridad sa isla.

Nabatid naman na ang LGU Malay ang siyang nagpi-finance sa nasabing grupo na ngayon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Boracay PNP.

Samantala, sinabi pa ni Gentallan na mahigpit ang kanilang ginagawang seguridad sa mga strategic areas sa Boracay kung saan tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang checkpoint tuwing gabi sa isla.

No comments:

Post a Comment