Thursday, December 10, 2015

Lalaking wanted sa kasong rape, arestado sa Boracay

Posted December 10, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ARESTADOArestado ang isang wanted na lalaki sa kasong rape kahapon sa Zone 4, Sitio Angol, Brgy. Manoc-manoc, Boracay,Malay, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, alas-12: 50 kahapon ng hapon ng nagsagawa ng operasyon ang Aklan Police Provincial Office (APPO) Tracker Team sa pangunguna ni SPO4 Isaac Zaulda kasama ang PAIDSOTG, Boracay PNP at ng APPSC.

Dito na aresto ang wanted na si Alberto Ramos na nakatira sa nasabing lugar at may Warrant of Arrest na may Criminal Case no. 12447 for the Crime Rape by Sexual Assault.

Kaugnay nito nagkakahalaga ng P200,000 ang inilaang piyansa para kay Ramos na nilagdaan ni Hon. Bienvenido Barrios Jr. Presiding Judge, Branch Judicial Region, RTC, Kalibo, Aklan na may petsang Nobyembre 26, 2015.

No comments:

Post a Comment