Monday, December 07, 2015

Construction Worker sa Boracay, kulong matapos hampasin ng bato ang katrabaho

Posted December 7, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ang isang construction worker matapos hampasin ng bato ang katrabaho nito sa Cagban, Ibabao, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, naglalakad umano ang biktimang si Arjay Ruede 28-anyos ng Sigma, Capiz pabalik ng kanilang barracks ng bigla nalang umano siyang hampasin ng bato ng walang dahilan sa kanyang kaliwang mata ng katrabahong si Jeev De leon 32-anyos ng Bacoor, Pampanga.

Matapos ng insidente ay nagtago umano ang suspek sa isang maliit na area sa lugar ngunit agad din itong nakita at hinuli ng mga pulis na rumisponde sa lugar.

Kaugnay nito pansamantalang ikinulong ang suspek sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment