Wednesday, December 09, 2015

Security guard sa Boracay, natagpuang patay sa barracks

Posted December 9, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patayPatay na ng matagpuan ang isang Security Guard sa kanilang barracks kahapon sa Sitio Bolabog, Balabag, Malay, Aklan.

Base sa report ng Boracay PNP, nakita umano ng isang kasamahan nito ang katawan ni Vic Dioso 42-anyos ng Calan, Sebaste, Antique na nakahandusay na sa sahig sa kanilang barracks.

Napag-alaman na alas-8 ng umaga ay nagsumbong itong biktima sa kanyang bayaw  na masama ang kanyang pakiramadam.

Ayon sa bayaw nito nakakaranas umano ng hypertension ang biktima.

Samantala, base sa doctor na sumuri sa biktima, Cardio Pulmonary Arrest Probably Secondary to Acute Myocardial Impart umano ang ikinamatay nito.

Sa ngayon pansamantalang nakahimlay ang katawan ng biktima sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment