Posted December 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Limang pawikan ang natagpuang patay sa baybayin ng isla ng
Boracay matapos itong mapadpad sa loob lamang ng limang araw simula nitong
Lunes hanggang Biyernes.
Ayon sa Marine Biologist ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) nakita ang
mga ito sa dalampasigan ng front beach ng Boracay kung saan hindi naman
nakitaan ang mga ito ng sugat sa katawan maliban sa isa nitong Biyernes.
Kaugnay nito hindi naman matiyak ng BFI kung ano ang
dahilan ng pagkakapadpad ng mga pawikan sa naturang lugar.
Nabatid na agad na nilibing ang mga
natagpuang pawikan matapos ang ginawang pagsusuri ng mga kinauukulan.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang pag-aarali ng mga Marine Biologist kung ano ang dahilan ng pagkakapadpad nito sa
beach area.
No comments:
Post a Comment