Tuesday, December 08, 2015

Cagban Port lalagyan na rin ng paging machine

Posted December 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban jetty portHindi lamang umano ang Caticlan Jetty Port ang magkakaroon ng paging machine kundi lalagyan na pati ang Cagban Port.

Ito ang sinabi ni Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, kung saan isa umano ito sa kanilang paghahanda sa pagpasok ng peak season sa Boracay na ngayon ay unti-unti ng dumadagsa ang maraming turistang nagbabakasyon.

Ayon kay Pontero na naka-iskedyul na ito na mailagay para mabigyan ng maaayos na serbisyo ang mga turista at mga locals.

Maliban dito may mga CCTV cameras na rin ang loob at labas ng nasabing pantalan na kasama sa kanilang pag-upgrade sa dalawang main gateway sa Boracay.

Samantala, sinabi naman ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang na sisimulan na sa susunod na taon ang 2.6 hectare construction ng bagong terminal building sa Caticlan Jetty Port.

No comments:

Post a Comment