Friday, December 11, 2015

Kauna-unahang Miss Earth Malay 2015 kokoronahan na ngayong gabi

Posted December 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Labin-pitong kandidata ang maglalaban-laban para tanghaling kauna-unahang Miss Earth Malay 2015 mamayang alas-7 ng gabi sa Malay covered court.

Nabatid na katuwang mismo ng Environmental Office ng Malay ang Carousel Productions na may hawak ng Miss Earth Philippines kung saan ang kokoronahan mamayang gabi ay awtomatikong pasok sa Miss Earth Philippines 2016.

Maliban dito makakatanggap naman ng cash ang mananalo pati na ang brgy. kung saan nagmula ang kandidata.

Samantala, may mananalo din ng Miss Earth Water; Miss Earth Eco-Tourism; Miss Earth Air at Miss Earth Fire.

Kaugnay nito malalaking pangalan sa mundo ng pagandahan at negosyo sa bansa ang magiging hurado sa isasagawang patimpalak mamayang gabi kung saan haharanahin naman ng artista ang labin pitong kandidata.

Ang Miss Earth Malay 2015 ay kauna-unahang patimpalak sa pagandahan at talento ng LGU Malay sa pangunguna ng Environmental Office kung saan ang mananalo ay tatanghalin din bilang Ambassador for the Malay Environment.

No comments:

Post a Comment