YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 09, 2015

Nagpanggap na “Coco Martin” pinababa sa bangka sa Boracay

Posted December 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for manifesto sa bangka sa boracayHindi pinalagpas ng Philippine Coastguard Caticlan ang isang lalaking nagpanggap na “Coco Martin” matapos niyang isulat ang naturang pangalan sa manifesto sa bangka.

Sa SB Session ng Malay nitong Martes tinalakay ni Liga President Abram Sualog ang naturang usapin kung saan hindi seneseryoso ng ilan ang pagsulat ng kanilang pangalan sa manifesto.

Base sa report ni Sualog pinababa ang naturang lalaki matapos mapag-alamang gumamit ito ng hindi totoong pangalan bagkus ay pangalan ng sikat na artista ang kanyang isinulat.

Maliban dito isang babaeng turistang pinay naman ang sisini ng mga pasahero ng isang bangka matapos ma-delay ang mga ito dahil sa hindi pagsusuot ng life jacket na mahigpit na ipinapatupad ng coastguard.

Napag-alamang pinabalik ang bangka na papaalis na sana sa Cagban Port matapos mapansin ang isang turista na walang suot na life jacket.

Nabatid na ayaw isuot ng turista ang naturang life jacket dahil sa hindi niya umano nagustuhan ang amoy nito kung kayat minabuti nalang ng mga kinauukulan na paliguan ng alcohol ang life jacket para maisuot ng nasabing turista na naging dahilan para magalit sa kanya ang ibang pasahero.

Ang manifesto at life jacket ay mahigpit na ipinapatupad sa Boracay kung saan hindi pahihintulutan na maglayag ang mga bangka kung hindi nila ito nasusunod.

No comments:

Post a Comment