Posted December 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumaba ng 35.3 percent ang naitalang kaso ng dengue ngayon sa probinsya kumpara noong nakaraang taon
sa parehong period simula Enero 1 hanggang Nobyembre 16, 2015.
Base sa datos ng
PHO sa pangunguna ni Provincial Health Officer I Dr. Cornelio Cuachon, Jr.,
naitala umano nila ngayong taon ng 1,009 na kaso ng dengue sa lalawigan.
Sa bagong
surveillance report ay wala din umanong naitala ang PHO na namatay na tinamaan
ng dengue base sa mga dinala sa ospital at napasama sa report.
Kaugnay nito
nanatali din umanong ang bayan ng Kalibo ang nakapagtala ng mataas na kaso ng
dengue na umabot sa 267 simula Enero 1 hanggang Nobyembre 16 sinundan ng
Numancia na may 110 na kaso, Malay na may 94 kaso, New Washington na may 83 at
Banga na may 59.
Samantala,
mahigpit parin ang paalala ni Cuachon sa publiko na kung sakaling magkaroon ng
sintomas ng dengue ay kailangan magpakunsulta agad sa mga pagamutan para agad
itong maagapan kabilang na ang paglilinis sa paligid na posibleng tirahan ng
mga lamok.
No comments:
Post a Comment