Wednesday, December 09, 2015

Dahil sa banta ng seguridad sa ibat-ibang bansa SB Malay magkakaroon ng ordinansa

Posted December 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa patuloy na banta ng seguridad sa ibat-ibang tourist destination sa bansa, nababahala naman ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay tungkol dito.

Sa 44th regular SB Session ng Malay nitong Martes, sinabi ni SB Member at Chairman of Committee on Laws Rowen Aguirre sa kanyang privilege hour na kailangang maging handa ng Boracay at palakasin pa ang security measures ng isla dahil sa mga nangyayaring terrorist attack.

Ayon kay Aguirre madali lang sa isang tao na maglabas pasok sa isla katulad umano sa mga cargoes na nagsasakay ng mga pasahero papuntang Boracay.

Dagdag pa nito dapat hindi ito pinapayagan dahil tanging ang Jetty Port lang ang sakayan ng mga taong pupunta at lalabas ng isla ng Boracay.

Samantala, nais naman nitong magkaroon ng ordinansa na kung saan ang lahat ng mga hotel at resort sa Boracay ay magkaroon ng kopya ng passport ng kanilang mga bisita ng sa gayon ay makatulong umano sila sakaling may naghahanap sa mga ito.

Kaugnay nito nanawagan naman si Aguirre sa publiko na maging vigilante sa lahat ng oras at agad na itawag sa mga numero ng mga kinauukulan sakaling may mapansin silang kahina-hinalang bagay sa kanilang paligid. 

No comments:

Post a Comment