Posted December 10, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muling nagpaalala sa mga residente sa Boracay ang Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) ngayong Holiday
Season laban sa paggamit ng mga paputok.
Ayon kay FO3
Cirilo Geroche III ng BFPU Boracay, mag-iikot umano sila sa buong isla para
mamigay ng mga poster na nag-lalaman ng mga paalala sa kasagsagan ng Yuletide
Season.
Maliban dito tema
umano ngayon ng kanilang Oplan Paalala ay “Iwas Sunog, Iwas Paputok” kung saan
hinihikayat din nila ang publiko na huwag gumamit ng ano mang klase ng paputok para
malayo sa disgrasya.
Dagdag pa ng BFP,
iwasan ding magsusunog ng gulong dahil masama ang epekto nito sa
kalusugan ng mga makakalanghap lalo na
sa lugar kung saan maraming nakatirang tao.
No comments:
Post a Comment