Friday, December 11, 2015

Barracks ng construction worker sa Boracay, pinaulanan ng bala

Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Isang barracks ng mga construction worker ang pinaulan ng bala ng baril kagabi sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-manoc, Boracay,Malay, Aklan.

Reklamo ng biktimang si Nelson Jabonite 45-anyos ng Tabuk Suba, Jaro, Iloilo City at isa sa nakatira sa barracks sa Boracay PNP, natutulog umano siya sa loob nito ng bigla niyang marinig ang putok ng baril na tumama sa kanilang bubungan at sinundan pa ng isang putok na tumama naman sakaliwang braso nito.

Dahil dito mabilis namang naisugod ang biktima sa isang pagamutan sa Boracay para mabigyan ng karampatang medikasyon ang kanyang braso na tinamaan ng bala.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring pag-papaulan ng bala sa naturang barracks.

No comments:

Post a Comment