Tuesday, December 08, 2015

E-trike driver sa Boracay, tinakot at tinangkang saksakin

Posted December 8, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Wala umanong nakikitang dahilan ang isang e-trike driver sa Boracay para siya ay pagtangkaang saksakin ng isang lalaki sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Sumbong ng biktimang si Randy Gad 37 ng Brgy. Yapak, Malay, Aklan sa Boracay PNP, nag-uusap umano sila ng kanyang kapwa driver sa nasabing lugar ng bigla siyang kumpruntahan ng suspek na si Jorell Love Maguindanao 33- anyos kung bakit nandoon sila sa area na agad naman nitong sinagot na nag-uusap lamang umano sila sabay alis sa lugar.

Dahil dito, mabilis din umanong umalis ang suspek at sa pagbalik nito ay may bitbit na itong kutsilyo at hinabol niya ang biktima kung saan tinangka nitong saksakin ang biktima ngunit mabilis naman itong nakailag.

Maliban dito, pinagsasaksak pa umano ng suspek ang gulong ng kanyang minamanehong e-trike kung saan hinagisan naman ito ng biktima ng bato para matigil ang ginagawa nito.

Sumbong pa ng biktima lumapit din umano sa kanya ang kakambal ng suspek na si Jay Marvin Maguindanao at sinabihan siya na ito ay babarilin.

Sa ngayon, pansamantalang ikinustudiya sa Boracay PNP ang dalawang suspek matapos na mahuli ng mga pulis.

No comments:

Post a Comment