Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inaprobahan na
ang huling budget ng LGU Malay para sa taong 2015 sa ginanap na 44rth Regular
Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa Capitol Building Kalibo.
Nabatid na ang
naturang budget ay nag-kakahalaga ng P59, 658,960.95 na nakapaloob sa Ordinance
Authorizing Supplemental Budget ng LGU Malay.
Napag-alaman na ang budget na ito ay para sa mga ibat-ibang programa at proyekto ng Local
Government Unit ng Malay.
Matatandaang
noong 41st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ay ini-rekomenda ang
budget ng Committee on Appropriations Budget and Finance and Ways and Means sa Provincial
Local Finance Committee o PLFC.
No comments:
Post a Comment