Tuesday, December 08, 2015

Dalawang turista sa Boracay, ninakawan habang natutulog

Posted December 8, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for nilooban ang bahayDalawang turista na naman ang ninakawan habang sila ay natutulog sa kanilang inuupahang apartment sa Sitio Angol, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.

Sumbong ng dalawang nagre-reklamong si Alfreda Lee Jie Ying 19-anyos isang Singaporean National at Jiang Huilin 21-anyos Chinese National sa Boracay PNP, nagising nalang umano silang nawawala na ang kanilang gamit at pera.

Dito napag-alaman na ang mga nakuhang gamit sa mga ito ay isang cellphone, camera olypus at perang nagkakahalaga ng P11,250.

Sinasabi ng mga biktima, na posibleng sa maindoor dumaan ng kanilang kwarto dumaan ang hindi nakilalang magnanakaw.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring pagnanakaw sa lugar.

No comments:

Post a Comment