Monday, December 07, 2015

Dahil sa hindi nabigyan ng pamasahe papuntang Maynila, binatilyo nagbigti

Posted December 7, 2015
Ni Inna Carol L.Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nagbigti gamit ang damitDahil sa hindi umano nabigyan ng pamasahe papuntang Maynila ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng isang 15-anyos na binatilyo.

Sa report ng Batan PNP, kinilala ang biktimang si alyas “Ace” at residente ng Sitio Bita, Brgy. Mapag-ong, Batan, Aklan. Sinasabing bago magpatiwakal ang biktima ay humingi ito ng pamasahe sa kanyang lola para sana pumuntang Maynila ngunit hindi naman ito binigyan.

Napag-alaman na noong Desyembre 2 ng huling makita ang biktima sa lugar at makalipas ng limang araw ay nakita nalang itong nakabitin na ang katawan sa puno ng mangga malapit sa kanilang bahay kung saan naaagnas na rin ang katawan nito.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na pinunit na damit ng biktima ang kanyang ginamit para wakasan ang kanyang buhay.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa pagpapakamatay ng biktima.

No comments:

Post a Comment