Wednesday, December 09, 2015

Iskedyul para sa Misa De Gallo inilabas na ng BHR-Boracay

Posted December 9, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for holy rosary parish boracayNaglabas na ng iskedyul ang Boracay Holy Rosary Parish para sa Misa De Gallo o Simbang gabi sa darating na Miyerkules Desyembre 16 hanggang 24 sa susunod na linggo.

Base sa talaan ng simbahan, magkakaroon ng misa sa Balabag Church alas-4 ng madaling araw simula Desyembre 16 gayon din sa Manoc-manoc Chapel, Yapak Chapel, Hagdan Chapel at Malubunot Chapel.

Maliban dito, ang novena mass schedule ay nakatakda sa Desyembre 15 hanggang 23, 2015 sa Angol Chapel at Lapuz-Lapuz Chapel ng ala-6 ng umaga habang sa Sinagpa Chapel at Diniwid Chapel ay alas-7 ng umaga.

Ang Simbang gabi ay taunang ginagawa sa simbahang katoliko, bilang paggunita sa kapanganakan ni Hesukristo na siya namang hudyat ng kapaskuhan.

No comments:

Post a Comment