Posted December 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa bigong makadalo sa 44th Regular Session
ng Sangguniang Bayan ng Malay nitong Martes si Philippine Coastguard Caticlan
Lt. Edison Diaz, muli naman itong ipapatawag sa SB.
Nitong Martes ay tinalakay sa Sangguniang Bayan ang mga
problema kaugnay sa manifesto at life jacket kung saan isa si Diaz sa mga inimbitahan
ngunit hindi ito nakadalo at nagpadala nalang ng kanyang representante.
Dahil dito hindi nakumbinsi ang SB Malay na hindi mismo
si Diaz ang dumalo dahil isa umano itong mahalagang usapin na dapat ay siya ang
personal na makakasagot dahil sa kanya nagmula ang implementasyong ito.
Kaugnay nito nagdesisyon muli ang Sangguniang Bayan ng
Malay na ipatawag si Diaz sa susunod na session kasama ang iba pang mga kinauukulan
para pormal nitong masagot ang mga katanungan ng mga Konsehales at para marinig
din ang kanyang panig tungkol sa mainit na usapin sa manifesto.
Samantala, nabatid na isa rin sa ipinatawag noong
nakaraang session si Jetty Port Administrator Niven Maquirang ngunit bigo rin
itong makadalo at nagpadala rin ng kanyang representante.
No comments:
Post a Comment