Saturday, April 25, 2015

Comelec Malay nakatakdang dalhin ang pagparehistro ng biometrics sa Boracay

Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec biometricsMismong ang Commission on Elections (Comelec) Malay ang tatawid sa isla ng Boracay para dalhin ang pagpaparehistro ng biometrics sa mga botante.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, sila na mismo ang pupunta sa tatlong brgy. sa isla para hindi na mahirapan ang mga magpaparehistro na tumawid sa munisipyo ng Malay.

Sinabi nito na nagsimula ang ganitong proseso noong nakaraang eleksyon kung saan nakakapagtala sila ng maraming botante kung sila mismo ang dadayo sa mga lugar.

Nabatid na ngayong darating na Mayo 6-12 ay nakatakda silang pumunta sa Brgy. Yapak para sa nasabing biometrics registration na gaganapin naman sa Daycare Center habang ang Balabag at Manoc-manoc ay sa buwan naman ng Hunyo.

Samantala, sinabi pa ni Cahilig ang walang biometrics ay hindi makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016.

No comments:

Post a Comment