YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 23, 2015

Pamunuan ng TIEZA at SB Malay nagharap na sa Sangguniang Bayan Session

Posted April 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for TIEZAMatapos ang mahaba-habang paghihintay nagharap na nitong Martes ang pamunuan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at SB Malay.

Ito’y matapos silang ipatawag sa 15th Regular SB Session ng Malay nitong Martes na dinaluhan naman ni Atty. Jose Bechayda, Atty. Guiller Avido at Engineer Geovanie Rulla ng TIEZA.

Dito napag-usapan ang ilang problema sa drainage system sa isla kasama na ang kanilang mga natapos na proyekto at ang pumutok na coliform issue sa Boracay nitong nakaraang buwan.

Ayon naman kay Atty.Bechayda, gumagawa naman sila ngayon ng hakbang para maisaayos ang mga problema sa drainage system sa isla partikular sa tinukoy ni Liga President Abram Sualog na pagbabaha sa D’Talipapa at Station 3 dulot ng bardong drainage.

Samantala, ngayon umano ay puspusan narin nilang tinatrabaho ang phase 2 na kanilang proyekto sa Boracay katulad ng drainage system at outfall sa Bolabog.

Nabatid na paulit-ulit na pinapatawag ang TIEZA sa naturang SB Session ng Malay ngunit palaging bigo ang mga itong makadalo.

No comments:

Post a Comment