YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 23, 2015

DOST, mahigpit ang ginagawang pagtutok ngayong panahon ng tag-init

Posted April 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for DOSTPosibleng magtuluy-tuloy pa hanggang sa Mayo ang tag-init sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Region VI Assistant Regional Director for Technical Operations Dr. Emelyn Flores.

Image result for summer season in the philippinesNormal lang na ngayong summer season ay mararanasan talaga ang mainit na panahon lalo na yaong mga malalapit sa beach tulad ng Boracay.

Ngunit sa kabila nito, ani Flores hindi maiiwasan na may hindi pa rin magandang epekto ang mainit na panahon lalo na sa agrikultura at kalusugan.

Kaya naman, mahigpit umano ang kanilang isinasagawang pagtutok sa lagay ng panahon o klima upang mabigyan ng tamang impormasyon at kaalaman ang publiko.

Samantala, ipanabatid din nito na normal lamang ang temperatura katulad ng nararanasan taun-taon.

Kaugnay nito, nakabantay din anya ang PAGASA sa mga maaaring pagbabago sa panahon, at tuloy-tuloy ang ugnayan nila sa pamunuan ng mga dam upang tiyakin na may sapat na imbak ng tubig para sa tag-araw.

No comments:

Post a Comment