Posted April 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Malay Municipal Health Office
(MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras.
Anya, base sa pagsusuri, ang pagtutuli ay
nakababawas ng tsansa na magka-kanser sa ari o mas hindi rin tinatamaan ng
HIV-AIDS ang mga lalaking tuli.
Maliban dito, mas ligtas din ito sa sakit, sa
impeksyon, at mas malinis sa katawan ang mga tuli.
Paliwanag ni Aspiras mayroon kasing tinatawag na
“smegma”, isang malagkit at mabahong likido na kumakatas sa ari ng supot na
lalake.
Nanggagaling ang smegma sa balat na nakapulupot sa
foreskin.
Ang foreskin umano ang tinatanggal kapag tinutuli.
Samantala, ipinaabot naman nito na libre ang
pagpapatuli sa MHO para sa mga batang may edad 10 hanggang 12 taon ngayong
Summer.
Nabatid kasi na ito umano ang pinakamagandang
panahon bago mag-binata.
Ang problema kasi umano sa pagtutuli ng sanggol ay
baka masugatan ng doktor ang ari ng bata dahil napakaliit pa nito.
No comments:
Post a Comment