Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ngayong araw ng Biyernes ang
Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Aklan ng Island wide
clean-up sa Boracay.
Ito ay bilang bahagi umano ng kanilang kontribusyon sa
pag-host ng Boracay sa APEC conference ngayong Mayo 9, 2015 at ang pagselebra
ng Earth Day.
Imbitado rin dito ang ibat-ibang organisasyon katulad ng
National agencies, civic and religious organizations, LGU, stakeholders at mga
lokal na residente kung saan simula alas-7:30 ng umaga ay magtitipon-tipon ang
mga ito sa naka-indicate na clean-up cluster design o areas.
Kabilang naman sa mga designated bilang cluster clean-up
areas ay ang front beach, back shoreline at ang main road sa buong isla.
Napag-alaman na ang nasabing programa ay isang malaking
tulong para mamintina ang kagandahan ng Boracay sa tulong ng ibat-ibang departamento
ng gobyerno upang maipakita ang pakikiisa ng Aklan sa gaganaping malaking
ministerial meeting sa Boracay.
No comments:
Post a Comment