Monday, April 20, 2015

Theft incident sa Boracay nabawasan dahil sa paghuli sa mga pagala-galang menor-de-edad

Posted April 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for minorsBuong ipinagmalaki ni Boracay Tourist Assistance Center OIC PSInsp.Frensy Andrade na nakapagtala sila ng zero theft incident sa Boracay nitong nakalipas na walong araw.

Ito’y dahil umano sa kanilang patuloy na ginagawang pagsugpo sa mga pagala-galang mga menor de-edad sa front beach ng Boracay tuwing gabi.

Ayon kay Andrade hinuhuli nila ang mga pagala-galang menor de-edad sa beach area kung saan itinu-turn over naman umano nila ito sa Municipal Social Welfare Development (MSWD) upang mabigyan ng aksyon at maipatawag ang mga magulang.

Iginiit naman ni Andrade na karamihan sa mga pagala-galang kabataan sa Boracay ang siyang dahilan ng ilang serye ng nakawan kung saan personal pa nitong nasaksihan ang pagnanakaw ng ilang menor de-edad na gumagapang sa buhagin papunta sa mga turista na kumakain sa beach area saka pagnanakawan.

Samantala, masaya naman ito sa kanilang ginagawang hakbang dahil sa nakakatulong umano ito sa pagbaba ng nakawasan na karamihan sa mga nabibiktima ay ang mga turistang naliligo sa dagat na nag-iiwan ng mga gamit sa puting buhangin.

Kaugnay nito patuloy parin ang ginagawang pagsugpo ng Boracay PNP sa mga gumagawa ng hindi kanais-nais sa isla kung saan kasama na rito ang pagwalis sa mga namamalimos sa front beach at ang mga illegal na commissioner.

No comments:

Post a Comment