Monday, April 20, 2015

Lumot sa station 1 beach front, sinimulan nang linisin

Posted April 20, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for lumot sa boracayInaasahang magiging malinis na namang tingnan ang baybayin ng Boracay.

Sinimulan na rin kasing linisin kaninang umaga ang lumot sa kahabaan ng station1.

Kasama ang mga taga coastal management team, ilang Municipal Auxiliary Police-Boracay, at life guard, unang tinanggal ng BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team ang mga lumot sa dalampasigan mag-aalas 7:00 kaninang umaga.

Habang ginagawa ang balitang ito, sinabi ng isang volunteer na naghihintay pa sila ng mandato kung saan nila ilalagay ang mga lumot.

Sinabi pa nito na sisimulan din nilang alisin ang mga lumot na nakalutang sa dagat kapag nakuha at nahakot na nila ang lumot sa dalampasigan.  

Samantala, magugunitang sinabi ni Boracay Island Administrator na kailangang pagtulungang linisin ang lumot sa beach front para sa nalalapit na APEC Ministerial meeting sa isla ng Boracay.

Magugunita namang ilang beses ding iginiit ng mga lokal na residente ng isla na nagpapalinis at nagpapaputi umano ito ng buhangin kung kaya’t hindi ito dapat alisin.

No comments:

Post a Comment