YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 22, 2015

Lind Boracay, pinatawag dahil sa 7-storey violation

Posted April 22, 2015
Ni Alan C. Palma Sr., YES FM Boracay

Image result for violationPinatawag ng MDGRC o Municipal Development Guidelines Review Committee ang mga kinatawan ng Lind Boracay para magpaliwanag sa itinayo nitong 7-storey building sa Balabag Boracay.

Lumabas kasi sa ginawang inspeksyon ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na lumabag sa Municipal Ordinace No. 328 ang kagagawa pa lamang na pitong palapag  na gusali ng nabanggit na hotel.

Kasama si Island Administrator Glenn Sacapaño at ilang miyembro ng MDGRC, i-prenesenta ni BRTF Secretary Mabel Bacani sa abogado at kinatawan ng Lind Resort ang mga dokumento at ordinansa ng bayan kung saan sila ay nakitaan ng paglabag.

Bagamat na may endorsement at recommendation for amendment ang Lind Boracay, ibang disenyo ng gusali ang itinayo doon kumpara sa inaprobahang plano.

Sa ordinansa, pahihintulutan lamang ang anim na palapag o 6-storey building kung may land area na 2,000 sq. meter ang isang resort.

Taliwas ito sa nangyari dahil umabot sa pitong palapag ang gusali kung saan ang land area ay 1,219 sq. meter lamang.

Sa ngayon, nais ng MDGRC malaman kung sino ang mga nagproseso ng dokumento sa panig ng Lind Boracay gayundin sa panig ng Zoning at Engineering Office ng Malay para pagpaliwanagin.

No comments:

Post a Comment