Tuesday, April 21, 2015

Mga debotong Katoliko sa isla, ikinadismaya ang muling pagsulong ng Casino sa Boracay

Posted April 21, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinadismaya ng mga debotong Katoliko sa isla ang muling pagsulong ng Casino sa Boracay.

Maliban dito, naging usap-usapan na rin ng mga church workers ng Holy Rosary Parish Boracay ang nasabing plano.

Magkaganon paman, tahimik pa ang kanilang grupo sa posibleng prayer rally kung saka-sakali.

Magugunita kasing ipinaglaban ng mga taga simbahan at maging ng ilang religious group sa isla ang panawagang hindi kailangan ng Boracay ang nasabing uri ng “entertainment”lalo pa’t isa itong family oriented tourist destination.

Maliban sa mga religious group, magugunita ring tinutulan din ito ng mga stakeholders sa kabila ng iginigiit na dagdag ‘revenue’o kita para sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Samantala, nabatid na nasa third and final reading na ngayon sa SB Malay ang hinihinging endorsement ng Boracay New Coast Hotel Group Inc. para operasyon ng Casino at Entertainment Business sa isla.

No comments:

Post a Comment