Posted April 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) na
nag-aalala sila sa pagkakaroon ng Yellow Submarine sa isla ng Boracay.
Ayon kay BFI President Jony Salme, wala pa silang alam
tungkol sa operasyon ng Yellow Submarine at ang maaaring epekto nito sa mga
korales sa Boracay.
Subalit ipinahayag nito na magsasagawa sila ng pagsusuri
kung ito ba ay magkakaroon ng hindi magandang epekto sa mga korales o iba pang
marine life sa isla.
Samantala, nabatid na ang BFI ay bahagi ng Coral
REEFurbishment Project o ang proyekto para sa tinatawag na “Coral Restoration”
para sa Boracay.
Ang Coral Reef Refurbishment Project ay bahagi ng
proyekto ng Coastal Resource Management Program at sa ilalim rin ng Boracay
Beach Management Program.
No comments:
Post a Comment