Tuesday, April 21, 2015

Taunang Aklan Piña and Fiber Festival 2015, bukas na

Posted April 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bukas na ang inaabangang taunang Aklan Piña and Fiber Festival 2015 na gaganapin sa bayan ng Kalibo sa nasabing probinsya.

Ito ay magsisimula bukas araw ng Miyerkules at magtatapos naman sa Linggo Abril 26 sa Trade Hall Capitol grounds sa Kalibo.

Tampok dito ang mga produktong Aklanon tulad ng mga barong at Filifiniana gown na gawa sa fiña at mga indigenous fibers.

Ibibida rin dito ng mga bayan sa Aklan ang kanilang sariling produkto katulad ng ibat-ibang luto ng pagkain, poultry products, abaka, prutas at mga gulay.

Kaugnay nito gabi-gabi rin ang gaganaping kasiyahan sa Capitol grounds kung saan ilang banda at palabas ang masasaksihan kasabay ng inaabangang kainan sa kalye tampok ang masasarap na lutong Aklanon.

Samantala katuwang ng nasabing programa ang Provincial Government ng Aklan, Department of Trade and Industry, Hugod Aklan Producers Association Inc. at iba pang public sector sa probinsya.

Ang Piña and Fiber Festival ay kasabay sa ipinagdiriwang na Aklan Day ng probinsya na ginaganap tuwing ika-apat na linggo sa buwan ng Abril.

No comments:

Post a Comment