Posted April 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bilang bahagi pa rin ng preparasyon sa Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) Ministerial Meeting sa isla ng Boracay.
51 na mga pulis ng Aklan Police Provincial Office
(APPO) ang dini-putized ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay LTO Aklan Head Elsa Castaños, ito’y upang mas
mahigpit pang maipatupad ang mga alituntunin at regulasyon sa trapiko sang-ayon
sa Republic Act 4136.
Ang R.A 4136 ay ang batas na nagre-regulate ng mga
sasakyan, operators at drivers na magkaroon ng kaukulang mga dokumento at para
sa responsableng pagsunod sa batas trapiko.
Anya, nitong ika 17- ng Abril ay naipamigay na rin
ang Deputation Identification Card at Temporary Operator’s permit para sa mga
Deputized Agents sa Aklan.
Samantala, nilinaw naman ni Castaños na ang mga
Deputized Agents ay bawal manghuli ng may mga kaugnayan sa isyu ng franchise, o
mga colorum na sasakyan.
Anya, naka-focus ang mga ito sa usapin ng driver’s
violation at pagpapatupad ng taffic regulation.
Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Castaños sa
suporta ng pulisya at iba pang departamento ng gobyerno upang mapalakas ang
kanilang serbisyo sa publiko.
No comments:
Post a Comment