Friday, April 24, 2015

Pagpapaunlad ng RO-RO Ramp sa Caticlan, aprobado na sa SP Aklan

Posted April 24, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for Caticlan Jetty PortAprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pag- re-allign ng 20 percent development fund para sa pagpapaunlad at pag-sasaayos ng RO-RO Ramp sa Caticlan Jetty Port.

Sa ginanap na 14th SP Regular Session nitong Miyerkules, tinalakay ang nasabing urgent request ni Governor Florencio Miraflores, kung saan una namang iminungkahi ni SP Member Plaridel Morania na aprobahan at sinang-ayunan naman ng iba pang kasapi ng konseho.

Nabatid na sinabi mismo ni Jetty Port Administrator Special Operations Officer IV Niven Maquirang na kailangan na ang agarang pagsasaayos ng nasabing pantalan lalo na’t parami ng parami ang mga dumadaang turista o bisita doon.

Anya, may abala din kasi sa pagdaong ng mga barko sa lugar dahil sa kailangan munang antayin na makaalis ang isang barko bago makadaong ang susunod na barko.

Samantala, nagpapatuloy din ngayon ang isinasagawang reclamation project sa Cagban Port sa Manoc-Manoc Boracay.

No comments:

Post a Comment