Thursday, April 23, 2015

Fish vendor na may warrant of arrest sa kasong murder, arestado sa Boracay

Posted April 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado kahapon ng hapon sa D’Mall Balabag Boracay ang isang fish vendor sa kasong murder.

Ayon sa report ng mga pulis, inaresto ang akusado na si Gerald Nacepo, 21 anyos ng Brgy. Samalague, Tobias Fornier, Antique sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder.

Ang nasabing kautusan ay inisyu sa RTC 6th Judicial Region, Branch 12 ng San Jose Antique nitong ika - 29 ng Setyembre taong 2014.

Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

No comments:

Post a Comment