Friday, April 24, 2015

APEC Delegates idadaan sa bagong Tangalan-Ibajay diversion road

Posted April 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for diversion roadKinumpirma mismo ni Aklan Congressman Teodorico Harisco na dadaan sa bagong gawang Tangalan-Ibajay diversion road ang APEC delegates na mula sa paliparan papuntang Boracay.

Ito ay para maiwasan umano ang traffic sa National road kung saan makikita din umano ng mga delegado ang preskong tanawin sa diversion road, katulad ng naggagandahang fine tress at dagat na madadaanan sa nasabing kalsada.

Ayon pa kay Haresco inaasahan umano nilang kikita ng P1 billion ang probinsya mula sa pagkain, serbisyo, transportasyon at iba pang-gastusin sa panahon ng nasabing event sa isla ng Boracay.

Tinukoy din nito na naglalatag na ang ibat-ibang ahensya na nagpapatupad ng batas ng kahandaan para masiguro ang seguridad sa isa sa pinakamalaking pagtitipon ng economic ministers sa Asia-Pacific.

Ang Boracay na kilala bilang isa sa pinakamagandang beach destination sa buong mundo ang siyang napiling mag-host ng Second Senior Officials and Ministers Responsible on Trade ngayong Mayo.

No comments:

Post a Comment