Wednesday, April 22, 2015

Binatilyong naliligo sa dagat sa Tangalan Aklan nalunod, patay

Posted April 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for nalunodPatay na ng matagpuan ang isang binatilyong naliligo sa dagat sa brgy. Jawili sa bayan ng Tangalan, Aklan nitong ala-ona ng hapon.

Ito mismo ang kinumpirma ng ama ng biktima na kinilalang si Jeneses Tiaga, 20-anyos ng Makato, Aklan.

Nabatid sa report na naliligo umano sa dagat ang nasabing biktima habang kasama pa ang ilang kalalakihan nang bigla itong tangayin ng malakas na alon dala ng high tide.

Halos inabot naman ng tatlong oras bago matagpuan ang bangkay ng biktima sa mismo ring lugar bandang alas-3:47 ng hapon sa tulong na rin ng mga rumesponding otoridad at sa pangunguna ng Makato PNP Station.

Samantala, puno naman ng hinagpis ang nararamdaman ngayon ng magulang ng biktima dahil sa nangyari sa kanilang anak na ngayon ay nasa pangangalaga pa ng isang punerarya.

No comments:

Post a Comment